Barilan sa Pasay, 3 bumulagta


 Powered by Max Banner Ads 

Latest News Philippines: Barilan sa Pasay, 3 bumulagta – Journal.com.ph:

TATLO katao ang namatay kabilang ang isang kasapi ng Mayor’s Clean Team matapos na magkrus ang kanilang landas na humantong sa madugong pamamaril sa lungsod ng Pasay kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilala  ni PO3 Simon Respicio Jr. na sina Jeremy Resureccion, 26, isang nagngangalang Paul Bakla, residente ng Macopa St. at Jomel Flores, 32, naninirahan sa 2464 M. dela Cruz St., Pasay City.

Si Flores ay kabilang sa Mayor’s Clean Team na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Pasay City Mayor Antonino Calixto.

Ang mga biktima ay hindi na umabot ng buhay pagdating sa Pasay City General hospital bunga ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong 9:45 ng gabi nang lumusob umano si Flores sa may F. Victor St., kasama ang isang nagngangalang Jayvee Avila at anim pang kabarkada nito na pawang armado ng baril.

Nang makita ni Flores ang biktimang si Resureccion na bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan ay pinaligiran ito ng grupo kung saan ay pinaputukan nila ito gamit ang kalibre .45 at 9mm pistol.

Agad na nagkagulo sa lugar nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril dahilan upang magtakbuhan ang grupo ni Flores kung saan ay bigla na lang nakita ang tatlo na nakabulagta sa kalsada.

Hindi pa mabatid kung si Flores ay aksidenteng nabaril ng kanyang kasamahan.

Inaalam naman ng pulisya kung ano ang tunay na motibo sa ginawang pagpatay kay Resureccion samantalang tinamaan naman ng ligaw na bala ang isa sa kanila.     Jojo Sadiwa

Continue…

Browse other Latest News Philippines updates.

Incoming search terms:

  • jomel flores

Leave a Reply