Sigaw ng mga taga-Maynila: Lim, Veloso panalo na!


 Powered by Max Banner Ads 

Latest News Philippines: Sigaw ng mga taga-Maynila: Lim, Veloso panalo na! – Journal.com.ph:

“TAMBALANG Manila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Lou Veloso, panalo na!”

Ito ang nagkakaisang sigaw ng mga residente ng Maynila mula Distrito 1 hanggang Distrito 6, batay sa ulat na ipinadala ng mga barangay chairman, matapos nilang magsagawa ng kani-kaniyang survey sa lugar na kanilang nasasakupan.

Kasabay nito ay nakumpirma din na tinambakan din ni Lim ang katunggaling si Erap Estrada sa lahat ng ‘mock polls’ o botohang isinagawa bawat distrito. Layunin ng naturang ‘mock polls’ o eleksyon sa mga barangay, na mapulsuhan kung ano ang kahihinatnan ng darating na halalan.

Malaki rin umano ang naging kalamangan ni Lou Veloso sa kalabang si Isko Moreno, sa kabila nang ito ang kasaluku-yang nakaupo bilang bise-alkalde.  Si Veloso ay ilang taon na rin naman na nangunguna o ‘topnotcher’ na konsehal sa kabuuang 38 miyembro ng konseho, dahil sa pa-tuloy na pagkakaroon ng pinakamataas na botong nakukuha tuwing elek-syon.

Napag-alaman din na sa kabuuang 896 barangay chairman sa Maynila ay 766 na chairman, sampu ng kanilang mga kagawad, ang nagpaha-yag ng buong pagsuporta sa tambalang Lim-Veloso samantalang 93 lamang ang lumalabas na pumapanig kay Estrada at 37 naman ang diumano ay ayaw makialam sa pulitika.

Ayon sa mga barangay chairman na solido ang suporta kay Lim, ilan sa mga nakakumbinsi sa kanila at sa mga residenteng nasasakupan nila na pumanig kay Lim kaysa kay Erap ay ang sumusunod: 1.) pagkakaroon ng anim na pampublikong ospital sa ilalim ng administrasyon ni Lim bukod sa dalawang libreng kolehiyo, 485 daycare centers, 97 karagdagang bagong buildings para sa elementary at high school, 59 barangay health centers at 12 lying-in clinics o lib-reng paanakan, mga bagay na wala sa San Juan kung saan si Erap ay naging alkalde ng 17 taon; 2.) pagiging tunay na taga-Maynila ni Lim at sa kabilang banda, ang kaalaman ng lahat na si Erap ay taga-San Juan; 3.) kawalan ng bisyo ni Lim ’di kagaya ni Erap na kilalang sugarol at lasenggo; 4.) pagkakaroon ng simpleng pamumuhay kumpara sa magarbong pamumuhay ni Erap na gumastos ng tumataginting na Php80 milyon makabili lang ng bahay na magagamit upang palabasing residente siya ng Maynila;  5.) tunay ang malasakit sa mahihirap na taga-lungsod ’di gaya ni Erap na nagpa-demolish ng squatters sa Bgy. Corazon de Jesus sa San Juan kung saan pati mga bata ay ginamitan ng tear gas; 6.) pagkalinga sa mga mahihirap na manininda at padyak drivers kung saan binabatikos pa ni Erap si Lim dahil pinababayaan ang vendors at pedicabs na manatili sa lungsod; 7.) kawalan ng ‘political dynasty’ kumpa-ra kay Erap na pati mga asawa at mga anak ay pawang nasa pulitika na; at higit sa lahat, 8.) walang bahid ng korapsyon na pamamahala at ’di naharap si Lim sa anumang kasong may kinalaman sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ’di gaya ni Erap na naharap, nahatulan at nabilanggo sa kasala-nang pagdambong o pagnanakaw ng mahigit Php700 milyon sa pera ng bayan, kung saan mahigit Php200 milyon pa ang sinisingil ng gobyerno sa kanya.

Bukod diyan ay naging negatibo din sa mga residente ang walang tigil na paninira ng kampo nina Estrada at Moreno habang wala naman silang naipapakitang nagawa para sa Maynila at mga naninirahan dito.

Partikular si Moreno bilang bise alkalde, ay wala umanong naitulong sa administrasyon samantalang si Erap naman ay wala ding naipatayo kahit isang health center sa Maynila sa tagal niyang nanungkulan bilang senador, vice president at presidente kung saan hawak niya ang pera ng buong bansa.

Ukol naman kay Veloso ay nakapuntos ito sa kanyang pagiging ‘topnotcher councilor’ sa loob ng maraming taon, ang pagiging mababang-loob at pagkakaroon ng simpleng pamumuhay kumpara sa kalabang Isko Moreno na dini-display pa ang nagmamahalang kotse at tinagurian nang ‘White House’ ang tahanan sa Tondo dahil sa biglaang ‘pagbabago’ mula sa dati ay simpleng bahay lang na ngayon ay bahay-mayaman na.

Lumamang din umano si Veloso kay Moreno dahil sa hindi nito pagka-kasangkot sa anumang anomalya sa loob ng 15 taong paglilingkod bilang konsehal sa ika-anim na distrito ng Maynila kumpara kay Moreno na nasasangkot ngayon sa ‘ghost employees’ at ‘ghost rice deliveries’ bukod pa sa reputasyon na sugarol at nagdo-droga. Ang mga nasabing anomalya ay ukol sa nabukong pagkakaroon ng mga empleyadong patay na o nasa abroad na ang suweldo ay tanggapan ni Moreno ang kumukubra, at ang pagbulsa sa mil-yong halaga ng bigas na kunwari ay ipinamigay subalit nabuko ng Commission on Audit.

Nakasira din kay Moreno ang pagiging ‘bastos’ sa mga caucus, kung saan ipinakikita niya ang kawalang-galang sa nakatatanda sa kanya, kapwa sa edad, karanasan at posisyon, sa pagtawag ng kung anu-anong bastos na bansag kay Lim na kanyang kinukutya dahil sa edad nito. Hindi umano ito nagustuhan ng mga residente na pawang may ina, ama, lolo at lola, lalo na ’yung mga may edad na rin.

Bukod sa suporta ng mga residente at ng mga barangay chairman at kagawad, sumusuporta din sa kandidatura nina Lim at Veloso ang mga grupong kaalyado ni da-ting Mayor Lito Atienza, ang ‘Maynila Para sa taga-Maynila’ na binubuo ng mga residente at lider na hindi pumapayag sa tangkang paghahari sa Maynila ng isang taga-San Juan, mga grupo ng Muslim gaya ng Bangsamoro Filipino OCW Organization at Muslims For Mayor Fred Lim o MFLF, na naka-base sa Islamic Center sa Quiapo at binubuo ng 3,000 Muslim professionals, mga es-tudyante, guro, vendors at manggagawa — na hindi umano malilimutan ang pambababoy na ginawa ni Erap sa kanilang mosque nang magsaboy doon ng karneng baboy matapos kubkubin noon ng pamahalaang Estrada ang Kampo Abu Bakr, League of Informal Sector na binubuo ng 15,000 maralita, ang Fernando Poe Jr. for President Movement (FPJPM) na binubuo ng may 100,000 miyembro, mga grupo ng pedicab drivers na may 7,000 miyembro, restaurant owners of Manila na may daan-daang miyembro, Senior Citizens’ Association na libo ang miyembro, at Baptist Philippines, Inc., na binu-buo ng mga pastor at parishioners at may dalawang milyong miyembro.

Higit sa lahat, anila, ay ang hayagan at buung-buong suporta na iniha-yag at ginagawa ng Pa-ngulong Benigno S. Aquino III sa administrasyon ni Mayor Lim, kung saan sinabi nito na suportado niya lahat ng proyekto ng alkalde at kung anuman ang ’di kakayanin nito ay ‘sagot na niya’ ang pang-huli.

Continue…

Browse other Latest News Philippines updates.

Leave a Reply