Bela defends self: In good taste ang ginawa ko


 Powered by Max Banner Ads 

Latest News Philippines: Bela defends self: In good taste ang ginawa ko – Journal.com.ph:

NATUTUWA si Bela Padilla na maunawain ang kanyang boyfriend na si Neil Arce dahil di ito nagalit o nagselos man lang sa dalawang leading men niya na sina Dion Ignacio at Pancho Magno sa katatapos na soap opera na “Magdalena” ng GMA7.

Ani Bela: “Naunawaan ni Neil ang  trabaho ko.  Artista naman ako at kailangan kong sundin ang anumang nasa script at utos ng aking director. Bukod pa rito, kailangan talaga ang kissing scenes sa eksena.  Saka, lahat ng ginawa ko ay in good taste naman.”

Dahil sa mabigat na role ni Bela sa “Magdalena,” gusto naman niya ay  isang fantaserye.

MARAMING MAY POTENTIAL SA MR. AND MS. OLIVE C

NAPANOOD namin sa birthday party  ni Psalmstre president Jaime Acosta ang  38 candidates ng Mr. And Ms. Olive C Image Model 2013 na rumampa na naka-costumes . Sa bumubuo na 38 candidates,  19 male at 19 female, wala kaming itulak kabigin sa potentials ng candidates.

Lahat sila’y may “karapatan” sa showbiz at modeling, lalo na ang mga kababaihan na karamihan ay may potential para maging beauty queen o artista. Sa palagay namin ay may potential ang ilan na maging another Melanie Marquez.  Bukod sa may magandang mukha, may sexy body rin.

Dumating lahat ang mga candidate  mula sa  iba’t ibang panig ng Pilipinas.  May representative mula sa Cagayan de Oro, Davao, Cebu, Tagbilaran, Dumaguete and Baguio City sa Northern Philippines. Regional search ang ginawa ni  Jim, kaya lahat ng panig ng Pilipinas ay may representative.

Ngayong gabi ang finals night.

SEN. BONG, WALANG KUPAS

GRABE ang first day appearance ni  Sen. Bong Revilla as adult Simeon sa “Indio.”  Nagpakita agad siya ng galing sa stunts.  Action star talaga si  Bong.  Imagine, kayang-kaya pa niyang lumipad kapag siya’y sumisipa na may hawak na bolo o kahoy.

Well-choreographed  ang stunts ng Indio. Ngayon lang namin ito nakita sa local television.  Wala pa ring kupas si Bong sa action scenes.

Tama ang sinabi niya sa isang interview na dapat na  niya gawin ang “Indio” ngayon dahil  hindi na siya bumabata.  Mahirap ang mga stunts at inamin ni Bong na minsan ay nasusugatan siya.

Anyway, ngayong  gabi ay mapapanood naman natin si Bong sa  “Kap’s Amazing  Stories.” Tampok ang 5th  episode  ang Stan   Lee  superhuman videos na tumatalakay sa mga super lalakas na tao sa mundo.

Continue…

Browse other Latest News Philippines updates.

Incoming search terms:

  • Bela padilla fhm 2014

Leave a Reply