Julia's wish on her 18th birthday


 Powered by Max Banner Ads 

Latest News Philippines: Julia's wish on her 18th birthday – Journal.com.ph:

KAHIT mukhang imposible na, umaasa pa rin si Julia Montes na makikita at makikilala niya ang kanyang biological father na isang German na mula nu’ng ipinanganak siya ay di pa niya nakikita.

Julia will be turning 18 years old sa March 19 at may bonggang debut celebration siya sa Fernwood Gardens. Birthday wish niya na makasama ang kanyang dad, pero alam niyang malabo itong mangyari.

“I know it’s very impossible pero naniniwala ako in God’s time, magkikita at magkakasama din kami. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon, pero iba pa rin siyempre kung kilala mo ang tatay mo ’di ba? Mas buo ’yung pagkatao mo,” pahayag pa niya.

Si Pepsi Herrera ang gumawa ng gowns na isusuot ni Julia sa kanyang debut na umaming sobra siyang kinakabahan.

“Hindi po kasi ako sanay na nasa akin ang atensyon ng mga tao. Hindi ko alam ’yung magiging reaksyon ko. Basta bahala na!” sambit pa niya.

Ngayong 18 years old na si Julia, wala pa rin daw magbabago sa set-up nila ng Mommy Flory (lola ni Julia). Gusto pa rin daw niyang bantayan siya nito saan man siya magpunta.

“Wala namang magbabago. Mas komportable ako na kasama ko si mommy. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko kaya kahit 18  na ako, gusto kong nandiyan pa rin siya at tinutulungan pa rin niya ako sa mga desisyon ko.”

Mid-Summer Nights ang theme ng debut ni Julia. Magiging highlights nito ang 18 roses, 18 treasures at 18 tulips.

Sasamahan si Julia ng mga naglalakihang Kapamilya stars including John Lloyd Cruz and Coco Martin, at big bosses ng ABS-CBN.

Magkakaroon din ng performances from Jed Madela, Christian Bautista, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Daddy’s Home at marami pang iba.

Continue…

Browse other Latest News Philippines updates.

Leave a Reply